1-2Pagkalipas ng ilang araw, bumalik si Hesus sa Capernaum. Agad namang kumalat ang balitang naroon siya. Kaya napakaraming tao ang nagtipon doon sa tinutuluyan niya hanggang sa wala nang lugar kahit sa labas ng pintuan. Habang ipinapangaral niya sa kanila ang salita ng Diyos, 3may mga taong dumating kasama ang isang paralitikong buhat-buhat ng apat na lalaki. 4Dahil sa dami ng tao, hindi sila makalapit kay Hesus. Kaya binaklas nila ang bahagi ng bubong sa tapat ni Hesus at saka ibinaba ang paralitikong nasa kanyang higaan.